Lalaking hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa QC

ABS-CBN News
Published Sep 05, 2020 03:47 AM PHT

MAYNILA - Natagpuan nitong Biyernes ang bangkay ng isang lalaki na may mga tama ng bala ng baril at nakagapos ang mga kamay sa gilid ng northbound lane ng EDSA sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nakasuot ng itim na t-shirt, maong na pantalon at puting sapatos ang hinihinalang biktima ng summary execution dahil nakatali ng itim na zip ties ang kanyang mga kamay sa likod.

Ayon kay Victor Osorio, public safety officer ng Pinyahan, inireport lang sa kanila ng mga tricycle driver na may narinig silang sunud-sunod na putok ng baril pasado alas 10 ng gabi ng Biyernes.

Natagpuan ang isang duguang katawan ng isang lalaki na biktima ng pamamaril sa gilid ng Edsa malapit sa kanto ng nia rd sa Quezon city. Nakatali ang mga kamay ng lalaki sa likod ng itim na zip ties. May tama ng bala sa ulo at leeg ang lalaki @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/O0wY9IOVSJ
— Fred Cipres (@RPfredcipres) September 4, 2020

Agad nilang nirespondehan ang tawag at kanilang naabutan ang duguang katawan ng lalaki habang nakatali ang mga kamay. Wala naman umanong nakakita sa pamamaril.

Ayon sa awtoridad, nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo at tatlong tama sa leeg ang lalaki. Pitong basyo ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril ang nakuha sa crimescene.

May mga ID o pagkakakilanlan na nakuha mula sa lalaki pero isasailalim pa ito sa beripikasyon.