2 tagapunerarya 'nang-hostage' ng bangkay kapalit ng P360,000 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 tagapunerarya 'nang-hostage' ng bangkay kapalit ng P360,000

ABS-CBN News
Published Sep 05, 2019 07:00 PM PHT
|
Updated Sep 06, 2019 10:54 PM PHT

Dalawang empleyado ng punerarya ang nahuli sa umano'y paghingi ng P360,000 para mailabas ang isang bangkay sa Maynila.

Sa bisa ng entrapment operation ng Mayor's Special Reaction Team ng lungsod, naaresto ang dalawang empleyado matapos tanggapin ang marked money para ma-release umano ang bangkay ng isang Marvin Ologenio, na namatay matapos malunod.

Ayon sa kaanak ng namatay, Setyembre 3 pa dinala ang bangkay ni Ologenio sa punerarya at kung ano-ano raw ang sinisingil sa kanila.

Ayon pa sa pulisya, tila "na-hostage" ang bangkay ng biktima.

ADVERTISEMENT
Aabot sa P360,000 ang siningil ng punerarya sa pamilya ni Ologenio, bukod pa sa halaga ng kaniyang kabaong.

Sa quotation na binigay sa kanila ng punerarya, umaabot na ng P200,000 ang halaga ng pagpapa-restore at pagre-reconstruct ng bangkay.

Pero nang masilip ng pamilya ang bangkay ni Ologenio, hindi na nila ito makilala at nag-iba na umano ang hitsura nito.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
hostage
bangkay
extortion
pangingikil
Zyann Ambrosio
Manila
punerarya
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT