Init, ulan, virus hinaharap: Mga nagkakampo sa 'Libingan' umapelang mapauwi na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Init, ulan, virus hinaharap: Mga nagkakampo sa 'Libingan' umapelang mapauwi na

ABS-CBN News
Published Sep 04, 2020 08:11 PM PHT

MAYNILA - Kasama ang mag-asawang Regie at Rolyn Balumar sa 430 kataong nakapuwesto sa labas ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig na nagbabakasakaling makakuha ng masasakyan sa ilalim ng programang "Hatid Tulong" ng gobyerno.

Umalis sila sa inuupahang bahay sa Bacoor City sa Cavite dahil wala na silang pambayad at nagbabakasakaling makapunta ng Masbate.

"Nalaman lang namin sa TV tapos wala naman kaming ibang mapuntahan kaya nagbakasakali kami dito," ani Rolyn.

Jeepney driver si Regie pero nawalan ng kabuhayan nang ipatigil ng pamahalaaan ang kanilang pamamasada dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

"Ang unang-una talagang naapektuhan kaming mga jeepney driver kasi wala na kaming mga biyahe. Sobrang hirap," ani Regie.

Bitbit nila ngayon ang kanilang paslit na hindi natapos ang operasyon sa bingot - at nagkakaroon na ng bungang-araw habang nagtatagal sa lugar. Hiling nila ngayon na mapasama sa programa ng pamahalaan para sa Balik-Probinsiya.

"Sana tanggapin na lang muna kami kasi kawawa na 'yung sitwasyon namin dito. Hindi namin alam kung sa susunod kung ano pang maano namin dito, hindi lang alikabok, hindi lang ulan o init kasi nag-iingat din tayo kasi may virus 'di ba?" ani Rolyn.

Nagpunta rin ang buntis na si Maribel Calingacion sa Libingan ng mga Bayani para makakuha ng masasakyan papuntang Cagayan Province, kasama ang dalawang paslit.

"Wala naman pong problema kung mainit, kaya lang po ayon, siksikan. Gaya niyan inuulan kami. Kagabi, umulan nang napakalakas pero wala kaming magawa. Iyan 'yung sinapit namin dito po,” ani Calingacion.

Ngayon, ilang lokal na pamahalaan na ang nagsabing handa na silang tanggapin ang mga gustong umuwi kaya inaasikaso na ng pamahalaan ang schedule para sa pagpapauwi sa kanila.

“Ang mga probinsiya ng Negros Oriental, ang LGU ng Dumaguete City, ang CARAGA region ay handa na rin pong tumanggap, ang Cotabato Province, ang ibang mga lalawigan sa Region 12 gaya ng South Cotabato ay handa na rin silang tumanggap, ang Jolo at Tawi-Tawi ay handa na rin tumanggap, ang Palawan," ani Hatid Tulong Project Lead Convenor Joseph Encabo.

"Sa Bicol Region din po ano handa na silang tumanggap except for Masbate; Romblon kakatanggap lang ng abiso na ready na sila tumanggap,” dagdag niya.

Ayon pa kay Encabo, hindi pa sila agad makabiyahe dahil may kailangan pang ayusin tulad ng mga sasakyan. Hinahanapan din muna ng mas maayos na malilipatan at maialis sa kalye ang mga pumwesto sa labas ng Libingan Ng Mga Bayani.

"Kami ay nakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng national government at local government sa Kamaynilaan na kung makapagbigay gaya po ng covered court, o gymnasiums o centers na puwede gawin kaaagad bibigyan sila ng atensiyon at doon natin sila dalhin. Most likely bago matapos ang linggo na ito ay makakita na po tayo ng temporary shelters," ani Encabo.

Nakahanda na sa ngayon sa labas ng Libingan ng mga Bayani ang mga truck ng Philippine National Police na gagamitin sa paglilipat ng mga tao.

Ayon kay Taguig PNP Chief Celso Rodriguez, ibabalik sa kani-kanilang tirahan o itu-turn over sa barangay ang mga nagkakampo sa lugar.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT