Ika-6 na taon ng Davao City night-market bombing, inalala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ika-6 na taon ng Davao City night-market bombing, inalala

ABS-CBN News
Published Sep 03, 2022 03:34 PM PHT

Inalala ng mga nakaligtas, pamilya ng mga nasawi, at ng iba-ibang sangay ng lokal na pamahalaan ang ika-6 na taon ng Roxas night market bombing sa Davao City Biyernes ng hapon.

Matatandaang nasawi ang di bababa sa 14 katao at 60 ang sugatan sa pagsabog ng bomba sa kilalang night market ng lungsod noong Setyembre 2, 2016.

Pinangunahan ni Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte ang komemorasyon sa memorial marker sa Roxas Ave.

Isang misa ang inalay para sa mga biktima ng trahedya.
Isang misa ang inalay para sa mga biktima ng trahedya.
ADVERTISEMENT
Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy ang kanilang assistance sa mga biktima ng pambobomba.

Taong 2020 nang naiulat na hinatulang guilty sa kasong multiple murder ang mga suspek ng night market bombing.

Marso nitong taon naman ay nagbukas muli ang night market matapos ang pandemya, kung saan hinigpitan hindi lang ang health protocols kundi pati na ang security measures para hindi na maulit ang trahedya. – Ulat ni Hernel Tocmo

BALIKAN ANG ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT