Sunog sumiklab sa residential area sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2020 04:33 PM

Sumiklab ang sunog sa residential area sa Santa Cruz district, Maynila. Larawan mula sa Manila Public Information Office

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Santa Cruz district sa Maynila hapon ng Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Bandang 3:30 p.m. naiulat ang sunog na tumama sa mga kabahayan sa Quiricada Street, ayon sa BFP.

Itinaas ang ikalawang alarma bandang 3:38 ng hapon.

Patuloy ang pagresponde ng mga bombero sa sunog.

 I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

-- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.