10 nailigtas sa sunog sa tabi ng mall sa Mandaluyong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
10 nailigtas sa sunog sa tabi ng mall sa Mandaluyong

ABS-CBN News
Published Sep 02, 2021 11:08 AM PHT
|
Updated Sep 02, 2021 02:40 PM PHT

MAYNILA (2nd UPDATE)— Nailigtas ang 10 katao matapos sumiklab ang sunog sa ginagawang gusali na katabi ng SM Megamall sa Mandaluyong nitong umaga ng Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang mga ito ay empleyado ng construction company at mayroong nagtamo ng minor injury at dinala sa ospital, ayon kay Fire Supt. Alberto de Baguio, fire marshall ng BFP Mandaluyong.

Ang gusali ay ang office building na SM Mega Tower, ani De Baguio. Patuloy na inaapula ang apoy na ngayo'y "maliit na sunog" na lamang, dagdag niya.

"Ang kinakain po ng apoy 'yung foam kung saan nakakabit 'yung sa aircon. Mula sa 25th floor paakyat po. Nag-layout tayo ng fire hoser na pinadaan po natin sa fire exit," aniya sa ABS-CBN Teleradyo.

"Nagumpisa tayo sa 15th floor, dun po natin tinitingnan saan ang source."

Nahirapan ang mga bombero dahil madilim sa loob, ayon kay De Baguio.

"So far dahan-dahan na po natin naapula. Nothing to worry po. Di na po gaano kalaki ang sunog," aniya.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT