Sundalo patay sa pamamaril sa Cotabato City | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sundalo patay sa pamamaril sa Cotabato City

Lore Mae Andong,
ABS-CBN News
Published Sep 02, 2019 09:34 PM PHT

COTABATO CITY – Dead on arrival sa pagamutan ang isang sundalo matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin pasado alas-3 Lunes ng hapon sa Maria Clara Street, Barangay Rosary Heights Mother sa Cotabato City.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Sergeant Mike Apolinario Elumba, 33 taong gulang, residente ng Barangay Rosary Heights 10 sa lungsod at nakadestino sa 3rd Scout Ranger Battalion sa Pagadian City.

Ayon kay Police Station 2 Commander Police Captain Rustum Pastolero, minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo nang dikitan ito ng mga salarin at saka pinagbabaril.

"Galing siya ng town bumili ng piyesa ng motorsiklo niya. Siguro sinundan na ito siya," paliwanag ni Pastolero.
"Galing siya ng town bumili ng piyesa ng motorsiklo niya. Siguro sinundan na ito siya," paliwanag ni Pastolero.
ADVERTISEMENT
Nagtamo ito ng mga tama sa batok.
Nagtamo ito ng mga tama sa batok.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.

Naghahanap din ng CCTV footage ang mga pulis para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga salarin.