Lalaki, nahulihan ng baril at NBI badge sa checkpoint sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki, nahulihan ng baril at NBI badge sa checkpoint sa QC

ABS-CBN News
Published Sep 02, 2018 08:08 AM PHT
|
Updated Sep 02, 2018 03:46 PM PHT

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng baril at NBI badge sa isang checkpoint sa Quezon City.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, nagsasagawa sila ng checkpoint sa Bicol-Leyte St. sa Brgy. Commonwealth nang kanilang parahin ang suspek dahil sa wala itong helmet habang nagmomotorsiklo.

Nakapagpakita ng drivers license ang suspek pero napansin ng pulis na may nakasukbit sa likuran ng lalaki.

Nuong unay itinanggi pa ng lalaki na baril ang nakasukbit. Pero nang kapkapan na ito ay doon na napag-alaman na isang kalibre 45 na baril na may lamang anim na bala ang nasa likuran ng lalaki.

Walang maipakitang lisensya para sa pagdadala ng baril ang suspek pero may nakuhang badge ng National Bureau of Investigation mula dito.

Hinala ng pulis na nagpapanggap ito bilang NBI agent dahil wala din itong maipakitang ID mula sa naturang ahensya.

Kakasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition, paglabag sa motorcycle helmet act at usurpation of authority ang nahuli.

- Ulat nina Lady Vicencio at Fred Cipres, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT