Senior citizen, di makuha ang titulo ng loteng bayad na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Senior citizen, di makuha ang titulo ng loteng bayad na

Senior citizen, di makuha ang titulo ng loteng bayad na

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2017 08:02 PM PHT

Clipboard

Hindi pa rin naibibigay sa isang senior citizen ang titulo ng kanyang lote bagama't nabayaran na ito nang buo noong 2014.

Tatlong taong hinulugan ni alyas Loida ang 88-square meter na lote na proyekto ng Citihomes Realty Inc. sa Villa Grande Subdivision sa Tandang Sora.

Binuno niya ito mula sa padalang pera ng kaniyang mga anak na nasa abroad kaya naman nag-aalala na rin aniya ang mga ito.

Ayon pa kay Loida, ilang beses na rin silang nag-follow up ngunit pinabalik-balik lamang sila, at nagbigay ng calling card ang tauhan nito ngunit hindi sinasagot ang kaniyang mga tawag.

ADVERTISEMENT

Samantala, kinompirma ng Citihomes Realty Inc. na nasa bangko ang titulo at inaayos na nila ang paglilipat nito sa buyer.

Humihirit din sila ng dagdag na apat na buwang extension para umano maproseso ang titulo.

Sinamahan naman ng 'Tapat Na Po' si Loida sa tanggapan ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) at napag-alamang may mga paglabag ang Citihomes kabilang na ang pagbenta sa subdivision ng lupang nabili ni Loida.

Naghain na ng reklamo si Loida at ipatatawag ng HLURB ang Citihomes para sagutin ang reklamo.

Sumulat din ang Citihomes sa 'Tapat na Po' at sinabing sa HLURB na lamang sila direktang makikipag-usap kaugnay ng problema ni Loida.

Tumanggi rin muna silang magbigay ng karagdagang pahayag. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.