Koneksiyon ng pugot-ulo sa lalaki, pagpatay ng pulis sa Bacolod iniimbestigahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Koneksiyon ng pugot-ulo sa lalaki, pagpatay ng pulis sa Bacolod iniimbestigahan

Koneksiyon ng pugot-ulo sa lalaki, pagpatay ng pulis sa Bacolod iniimbestigahan

ABS-CBN News

Clipboard

Inaalam ng mga awtoridad kung may koneksiyon ang pagpugot ng ulo sa isang dating drug suspect at pagpatay sa isang pulis sa Bacolod City kamakailan, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Natagpuan gabi ng Martes ang pugot-ulong bangkay ng isang lalaki sa Rosario Street, Barangay 38, ang parehong lugar kung saan pinatay sa pamamaril si Staff Sgt. Joseph Nepomuceno noong Linggo.

Ayon sa mga awtoridad, dati nang nahuli sa buy-bust operation ng city drug enforcement unit (CDEU) ang lalaking pinugutan ng ulo, habang miyembro naman ng CDEU ang nasawing pulis.

May iniwan pang mensahe sa tabi ng pugot-ulong bangkay na nagsasabing bayad umano ito sa utang, ayon kay Police Maj. Ramel Sarona.

ADVERTISEMENT

Nakasaad din sa mensahe na interes pa lang ang pagpatay sa lalaki at dapat daw maghanda para sa kapital.

Sa Barangay 2 natagpuan ang ulo ng lalaki, na ayon sa mga testigo ay hinulog sa kalsada ilang minuto matapos iwanan ang bangkay sa Barangay 38.

Ayon sa ilang testigo, may 2 sasakyang may sakay na 8 lalaki ang nagtapon ng katawan ng biktima sa Rosario Street bago nagpaputok ng baril.

Ang natagpuang bangkay ay isinilid sa sako, nakaposas, at may mga tama ng bala at saksak sa katawan.

Sa kaso naman ng pagpatay kay Nepomuceno, hindi pa rin natutukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng gunman.

— Ulat ni Romeo Subaldo

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.