Pulis patay sa pamamaril sa Rodriguez, Rizal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis patay sa pamamaril sa Rodriguez, Rizal

ABS-CBN News
Published Sep 01, 2020 11:39 AM PHT

Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin noong gabi ng Lunes ng hindi pa nakikilalang salarin sa mismong gilid ng kaniyang bahay sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Lt. Col. Rexpher Gaoiran, hepe ng Rodriguez police, ang biktima bilang si Staff Sgt. Renato Grecia, na nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame.

Isang lalaking nakasuot ng jacket at shorts ang sinasabing lumapit kay Grecia habang nasa gilid ito ng kaniyang bahay sa Barangay Burgos bandang alas-10 ng gabi.

Agad umanong nakatakas ang gunman nang sumakay sa isang nakaabang na motorsiklo. Mayroon din umanong kasamahan ang salarin na nagsilbing lookout.

Nire-review na ng pulisya ang kuha ng mga surveillance camera sa barangay para makakuha ng ibang impormasyong makatutulong sa imbestigasyon.

Inaalam na rin ang motibo sa pagpatay.
Inaalam na rin ang motibo sa pagpatay.
-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT