TINGNAN: Mga pagkaing Pinoy bumibida sa South Africa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga pagkaing Pinoy bumibida sa South Africa

TINGNAN: Mga pagkaing Pinoy bumibida sa South Africa

Jerome Fadriquela | TFC News

 | 

Updated Sep 01, 2022 08:26 AM PHT

Clipboard

PRETORIA - Natikman muli ng mga Pilipino sa South Africa ang mga pagkaing Pilipino na bihira na nilang makain.

Itinampok kasi ng Philippine Embassy sa Pretoria ang Filipino dishes tulad ng chicken adobo at mga paboritong meryendang ensaymada, pancit, polvoron, at adobo peanuts sa International Food Fiesta na ginanap sa St. Pius X Catholic Church noong August 21, 2022.

Festival
PE Pretoria photo

Ang Pilipinas lang ang nag-iisang bansa sa Asya na kasali sa event. Nagkaroon din ng pagkakataong maimbitahan ng embassy ang South Africans na bisitahin ang magagandang tourism spots ng Pilipinas sa Tourism promotional videos na ipinalabas sa event.

Filipino food
PE Pretoria photo

Namigay naman ng brochures at locally manufactured Oishi Oozies ang Filipino company na Liwayway Food South Africa (Pty) Ltd. sa mga bisita.

Pinoys in Sout Africa
PE Pretoria photo

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa South Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Source: PE Pretoria FB page

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.