Restaurant sa Quezon City 2 beses nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Restaurant sa Quezon City 2 beses nasunog

ABS-CBN News
Published Aug 31, 2022 12:44 PM PHT
|
Updated Aug 31, 2022 01:00 PM PHT

Dalawang beses nasunog ang bahagi ng isang restaurant sa Tomas Morato, Barangay South Triangle sa Quezon City ngayong Miyerkoles.

Pasado alas-3 ng madaling araw nang sumiklab umano ang sunog sa kusina ng Annabel's, na agad naapula ng mga bombero kaya hindi na umabot sa unang alarma.

Nagmula ang apoy sa exhaust vent ng kusina, base sa paunang imbestigasyon ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Pero sumiklab muli ang sunog sa resaurant pasado alas-7 ng umaga.
Pero sumiklab muli ang sunog sa resaurant pasado alas-7 ng umaga.
ADVERTISEMENT
Kinailangan pang akyatin ng mga bombero ang bubong ng restaurant para apulahin ang apoy.

Pansamantalang isinara sa mga motorista ang bahagi ng Tomas Morato mula Scout Lascano hanggang Scout De Guia.

Dahil sa sunog, tigil-operasyon muna ang restaurant.

Ayon sa security guard na si Regino Anoba, gawa sa light materials ang gusali ng restaurant, na itinayo pa noong dekada '80.

Itinaas sa unang alarma ang ikalawang sunog, na idineklarang fire out bago mag-alas-10 ng umaga.

Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente, at inaalam pa ng BFP ang halaga ng pinsala sa sunog.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT