Pinoy films tampok sa 44th Moscow Film Festival | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinoy films tampok sa 44th Moscow Film Festival

Pinoy films tampok sa 44th Moscow Film Festival

Niel Caburnay Tero | TFC News Russia

Clipboard

MOSCOW -Umani ng papuri ang apat na pelikulang Pilipino na tampok ngayon sa 44th Moscow Film Festival sa Russia.

Nag-premier showing dito ang pelikulang “Walker” ng award-winning Filipino director na si Joel Lamangan, ang kuwento sumentro sa buhay ng sex workers sa Pilipinas.

Walker
Image courtesy of journalnews.com.ph

Hindi rin nagpahuli ang isa sa highest grossing film of all time ng Star Cinema na “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pinakilig, pinatawa at pinaiyak ng pelikula ang mga kababayan at naka-relate sa kwento nina “Joy” at “Ethan,” ang mga karakter nina Bernardo at Richards na parehong OFW sa pelikula.

ADVERTISEMENT

Hello Love Goodbye
Image courtesy of Star Cinema

“Naka-relate ako sa “Hello, Love, goodbye,” OFW ‘yung kanyang sacrifices sa family at ‘yung types of work lalo na ‘yung nagigising siya ng umaga, maghapong nasa trabaho. Interesting story kasi napakagaling at napakahusay na actress ni Katryn. Napakasaya po na ito’y napanood namin dito sa 44th Moscow Film Festival," sabi ni Alma Arcilla, OFW sa Russia.

Black Rainbow
Image courtesy of Cinemalaya.org

Samantala, ang award-winning short film na “Black Rainbow” ni Direk Zig Dulay ay patungkol naman sa buhay ng batang si “Itan” at ang kanyang pangarap na maging abogado at matulungan ang komunidad ng mga Aeta na ipaglaban ang kanilang mga lupain laban sa pagmimina.

Nagpakilig rin sa mga Pinoy ang “Love is Color Blind” ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Love is Color Blind
Image courtesy of Star Cinema

Ayon sa Russian translator na si Ekaterina Baklanova kakaibang experience para sa kanya na isalin sa Russian ang mga pelikula. Marunong mag-Filipino ang mga Russian na nakausap ng TFC News.

Sabi ni Baklanova sa wikang Filipino: “Nirerespeto ko si Mr. Lamangan sa ganitong makatotohanang pelikula at naiitindihan ko na ganito ang mga problema sa Pilipinas. Sa ibang banda maganda na ipinapakita pati sa international scene, ipinapakita ang isang pelikula na hindi lang tungkol sa love story kundi tungkol (din) sa tunay na buhay at problema sa lipunan.”

Magandang oportunidad ang paglahok ng mga pelikulang Pilipino sa festival para mas lalong makilala sa international movie scene.

“Ngayon ito’y mabuting pagkakataon na makilala ang Pilipinong cinema. Sa palagay ko kahanga-hanga ang pelikula,” sabi ni Victoria Zakharova sa wikang Filipino, isang Russian student.

Ayon sa Russian experts na nakausap ng TFC News, sa kabila ng tagumpay ng Filipino movies na naipapalabas sa Pilipinas, kailangan pa rin palakasin ang popularidad ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapalabas sa ibang bansa.

Sabi ni Professor Elena Gennadievna Frolova ng Moscow State University sa wikang Filipino: “Dapat kong sabihin na masyadong mataas ang kalidad ng mga pelikulang ito at ito ay international na antas ng pelikula kaya sa palagay ko dapat manood ang mga estudyante at ibang mga taong Ruso ng films galing sa Pilipinas sapagkat ito’y tunay na film na pandaigdig, na mataas na antas.”

Kahit mga Ruso, hangang-hanga sa mga pelikulang gawa ng Pilipino. Patunay na kayang-kayang makipagsabayan ang Pinoy films sa buong mundo. Nakipagsabayan ang mga Pinoy films sa mahigit 200 na pelikula mula sa may 60 bansa na ipinapalabas mula August 26 hanggang September 2.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Russian Federation, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.