'Naninilaw pa': Bentahan ng 'recycled' face masks naiulat, DOH nagbabala | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Naninilaw pa': Bentahan ng 'recycled' face masks naiulat, DOH nagbabala

Maan Macapagal at Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Aug 31, 2020 07:35 PM PHT

MAYNILA — Natuwa si alyas "Rochelle" nang makitang kalahating porsiyento ang diskuwento kada kahon sa itinitindang surgical mask sa palengke nila sa Baguio City kaya naman di siya nag-atubiling bumili para iuwi sa kaniyang pamilya sa Itogon, Benguet.

Pero nabulaga si Rochelle nang buksan na ang mga nabiling murang face mask.

Marumi ang ilang surgical mask, may mantsa, at naninilaw pa. Tingin ni Rochelle, gamit na at ni-recycle na lang ang nabili niyang surgical mask.

"Madumi po tapos yung nasa gitna parang gusot-gusot na tapos yung cuttings po nila is hindi po pantay pantay. Yung kulay din po ng surgical masks is magkakaiba din po," ani Rochelle.

Nag-viral din ang post ng isang netizen kung saan nakita raw niya mismo nang pulutin ng isang mangangalakal ang mga itinapong face mask. Nagsabi pa ang isa na ibebenta nila ito.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakarating na sa kanila ang mga impormasyong baka nire-recycle nga ang mga disposable face mask pero wala pa silang nakukuhang kumpirmasyon.

"We have received this kind of information yesterday and pinag-uusapan nga namin pero gusto lang namin iparating sa ating mga kababayan na simula't sapul meron po tayong guidelines na pinalabas... regarding the safety disposal of PPEs including the masks so kailangan lang po especially sa household na ilagay lang po natin sa separate na plastic bag ito pong mga masks na ito," ani DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sabi naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), dapat ihiwalay sa mga bahay at opisina pa lang ang mga gamit na face mask, gloves, face shield, tissue at iba pang basurang puwedeng makahawa ng COVID-19.

Komento ng ilang netizen, kailangang gupitin o sirain ang face mask bago itapon para hindi ma-recycle.

Pabor ang DOH na sirain ang face masks bago itapon.

"At the same thing when you cut it, gumamit ka ng gunting sa masks na yan, linisan mo yung gunting mo, disinfect mo siya at maghugas ka nang maigi ng kamay,"

Nababahala naman ang Ecowaste Coalition sa mga nagkalat sa merkado na disposable face mask na hindi aprubado ng Food and Drug Administration.

"May mga false claim pa na may nakalagay dito na nagbibigay talaga ng 99 percent na proteksyon... Papaano kung yung ating mga frontliners or yung mga healthworkers gumamit nitong mga hindi notipikado, hindi rehistradong mga face masks? Magdudulot pa ito ng pinsala sa kanilang kalusugan," ani Thony Dizon ng Ecowaste Coalition.

Payo ng DOH, bumili lamang ng face masks sa mga botika at medical supplies stores.