Bangkay ng sanggol na walang ulo, kamay, natagpuan sa kanal sa Davao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay ng sanggol na walang ulo, kamay, natagpuan sa kanal sa Davao

Hernel Tocmo,
ABS-CBN News
Published Aug 30, 2019 07:36 PM PHT

DAVAO CITY - Nagulat ang ilang residente nang makita nila na may lumulutang na isang bangkay ng sanggol sa kanal sa Purok Mahayag, Barangay Buhangin sa lungsod Biyernes.

Ayon kay Josephine Basalo, presidente ng Women's Group ng Barangay Buhangin, nabigla na lang ang naglilinis sa kanal ng makita ang bangkay.

"Paghila niya sa plastic, lumutang ang kamay ng bata. Tumakbo siya, kasi nagtaka kung bakit may inilibing. Akala niya, kamay o paa lang ng manok, pero pagbalik niya, lumutang na ang buong katawan," ani Basalo.

"Wala nang ulo, putol na ang dalawang kamay," aniya.
"Wala nang ulo, putol na ang dalawang kamay," aniya.
ADVERTISEMENT
Hinihinalang isang linggo pa lang ang edad ng sanggol. Hindi pa natutukoy ang mga magulang nito.

Hinihinalang itinapon din ito sa kanal, kaya dismayado ang Women's Group. Anila, sana inilibing na lang ng mabuti ang sanggol kung namatay man ito ng walang foul play.

Nagtirik ng kandila ang mga residente malapit sa nasabing kanal.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.