Pulis arestado sa pagsusugal sa casino | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pulis arestado sa pagsusugal sa casino

Pulis arestado sa pagsusugal sa casino

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Arestado ang isang pulis matapos mahuling nagsusugal sa isang casino sa Pasay City nitong Linggo ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na inaresto ang pulis matapos makatanggap ng ulat mula sa concerned citizen na madalas umano itong tumaya sa mga slot machine.

Ang inarestong pulis ay nakatalaga sa Personnel Holding and Accounting Section ng PNP Police Security Protection Group.

Sa ilalim ng isang memorandum circular pinagbabawalan ang mga opisyal ng gobyerno na magsugal sa mga casino.

ADVERTISEMENT

Kakasuhan ang nahuling pulis ng paglabag sa Revised Penal Code at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Nangako naman si PBGen. Warren de Leon ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group na patuloy ang kanilang internal cleansing at pagtugis sa mga tiwaling opisyal.

"We assure the public that we will continue our aggressive campaign to rid our ranks of this kind of police destroying our organization,” sabi niya.

IBA PANG ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.