Babae, natagpuang patay sa ilog sa Quezon City | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babae, natagpuang patay sa ilog sa Quezon City

Babae, natagpuang patay sa ilog sa Quezon City

Larize Lee,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Isang babae ang natagpuang patay sa tabing ilog ng Lorraine St. Parkway Village, Brgy. Apolonio Samson sa Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Ayon sa nakakita na si Samuel Balatong, nangangalakal siya ng basura sa may ilog pasado 3 a.m. nang makita niya ang bangkay sa pampang.

"Nagulat po ako may nakita akong nakaganung siko. Akala ko po yung lagayan ng damit sa mall. Pagtingin ko tao kasi may bracelet na silver eh...parang tumaob na nakatagilid," kuwento niya.

"Umakyat po ako tumakbo agad papuntang barangay," ani Balatong.

ADVERTISEMENT

Ayon sa barangay, hindi pa matukoy kung taga-saan ang babae dahil walang nakakakilala rito. Posibleng inanod umano ang bangkay mula sa ibang lugar.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Quezon City Police Station 1 ang nangyari.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.