Ilang bahay sa Davao City, inanod ng baha | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahay sa Davao City, inanod ng baha

Ilang bahay sa Davao City, inanod ng baha

Andoreena Causon,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinapatuyo ng ilang mga residente ang mga kagamitan sa kanilang bahay na nasalanta ng baha sa Davao City. Andoreena Causon, ABS-CBN News

DAVAO CITY - May ilang bahay ang nasira sa Purok 4, Los Amigos, Tugbok dahil sa pagragasa ng tubig baha, Miyerkoles ng hapon.

Kasama sa inanod ng baha ang bahay ng pamilyang Pino. Binangga nito ang isang bagong tayong bahay ng kanilang kapitbahay kaya't tumagilid ito.

Muntik na ring mahulog sa sapa ang bahay ni Elmer Funa.

Halos walang naisalbang gamit ang mga apektadong residente dahil umabot hanggang leeg ang tubig.

ADVERTISEMENT

Pinag-piyestahan naman ng mga residente ang tone-toneladang hito na nakawala matapos umapaw ang mga fishpond. Aabot sa mahigit 200 hito farmers ang nalugi dahil sa baha.

Nagdeklara na ng state of calamity ang barangay.

Bumagsak din ang isang bahagi ng pader ng Balengaeng Elementary School dahil sa baha.

Kanselado naman ang pasok sa ilang paaralan sa Tugbok, Talomo at Calinan Huwebes dahil sa epekto ng baha.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.