ICYMI: Bagong marker ng MWO sa Dubai pinasinayaan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ICYMI: Bagong marker ng MWO sa Dubai pinasinayaan

ICYMI: Bagong marker ng MWO sa Dubai pinasinayaan

Rachel Salinel | TFC News United Arab Emirates

Clipboard

DUBAI - Mula sa dating Philippine Overseas Labor Office sa Dubai o POLO Dubai , ngayon naging Migrant Workers Office (MWO) na ang bagong marker na nakikita sa bagong compound.

Alinsunod ito sa Republic Act No. 11641 na nagtatag ng Department of Migrant Workers kaugnay sa pag-organisa at pagpapatakbo ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa overseas employment at labor migration.

11

Nagdaos ng simpleng seremonya ang MWO Dubai kasabay ng pagpapalit ng marker. Ipinaliwanag din ni Labor Attache John Rio Bautista ang kaakibat nitong pagbabago pagdating sa serbisyo sa OFWs.

“Maliban doon sa pagpapalit sa pangalan ay inaasahan na ang serbisyo ng Migrants Workers Office na sinasabi nating tahanan ng OFW ay magkakaroon ng pagbabago at ito’y kailangang maramdaman ng ating mga kababayan dito sa UAE, here in Dubai and Northern Emirates in particular,” sabi ni Bautista.

ADVERTISEMENT

2

Kasama sa programa ang pagpapadali ng anumang transaksyon na may kinalaman ang MWO.

“Ang dagdag na serbisyo ang mangyayari ay ang Assistance to Nationals ay magiging nasa poder o nasa jurisdiction ng Migrant Workers Office.Inaasahan natin at patuloy na ginagawan ng paraan ng DMW at kami ang taga-implement ng mga pagbabagong ito. Malaking kadalian sa mga proseso, ‘yun ang laging hinihingi ng ating mga kababayan,” dagdag ni Bautista.

3

Kasama rin sa mga pagbabago ang pagpapatupad ng digital online submission ng contract verification kung saan naka-attach na ang Overseas Employment Certificate o OEC issuance.

Sa ngayon, nasa pilot test na ang programang ito. “Pwede itong gawin hindi lang sa computer natin kundi maging sa ating telepono,” paliwanag ni Bautista.

4

Pinangunahan ni Engr. Joemar Bantung ang pagpapalit ng MWO word sculpture sa Dubai kasa kasama ng iba-ibang Filipino groups tulad ng UAE Alumni Concilium of the Scintilla Juris Fraternity, Astrum Scientis Sorority, at Stella Juris Sorority.

4

“It embodies integrity because we as Filipinos want to show to the world our integrity in our work and tell our kababayans to work hard. Work smart and work well for our families back home in the Philippines,” sabi ni Bantung,

Mabilis at pulidong serbisyo at pangangalaga sa kapakanan ng OFWs ang inaasahan mula sa MWO.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa UAE, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.