Bitbit ang mga luha, alaala: Mga mare-retrench sa ABS-CBN nagpaalam na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bitbit ang mga luha, alaala: Mga mare-retrench sa ABS-CBN nagpaalam na

Jeff Canoy,
ABS-CBN News
Published Aug 28, 2020 07:47 PM PHT

MAYNILA - Paano nga ba sisimulan ang magpaalam?

Ito ang tanong ng libo-libong empleyado ng ABS-CBN na simula Agosto 31 ay wala nang trabaho at kasama sa mga na-retrenched matapos patayin ng Kongreso ang aplikasyon ng network giant sa prangkisa para sa radyo at TV.

Kasama sa lilisan si Paolo Ramos ng ABS-CBN Creative Communications Management Division (CCM), na lumikha ng video para sa mga empleyado ng ABS-CBN.

Kasama sa mga gumagawa ng station ID ng network si Ramos, na 20 taong nasa network.

ADVERTISEMENT
Ang video na in-upload niya, galing sa kaniyang huling shoot para sa ABS-CBN.

"Ang sakit kasi di ka makapagpaalam. Bukod kasi sa alam mong puwede naman hindi nangyari ito, noong nangyari, di ka makapagpaalam nang maayos, kapag nagkita kayo kalahati ng mukha nakatakip, di kayo puwede maglapit, di kayo pwede magyakap. I just needed a beautiful way of saying goodbye,” ani Ramos.

Sa higit 170 ng CCM, higit 20 lang ang maiiwan. Hindi kasama si Ramos sa mga mananatili.

"'Yung in the service of the Filipino na automatic na siya sa'yo. siguro 'yung mga may kasama ka, na naiintindihan kung paano mo rin naiintindihan ang ibig sabihin ng in the service of the Filipino, na hindi siya mababaw, 'di siya slogan, it’s the way we work. I will miss the people I work with towards the same goal,” ani Ramos.

Sama-sama ring nag-empake ang producer na si Rodel Mariano at ang kaniyang mga kasamahan sa programang Scene of the Crime Operatives (SOCO).

Marami rin sa ABS-CBN ay mga mag-asawa na sabay mawawalan ng trabaho.

"Buo pa rin yung pag-asa ko, dahil sa naniniwala ako sa kakayanin ng kumpanya na makabangon sa kabila ng pangyayaring ito, buong-buong pa rin puso ko na balang araw, babalik pa rin tayo. Parang ang nakikita ko na panandalian lang siya. Pero itong panandalian na ito, ang bigat pa rin sa aming mga ordinaryong empleyado,” ani Mariano.

"Habang nageempake ako lahat ng alaala sa ABS, nilalagay ko na siya sa kahon, parang 'yung alaala sa kahon, seselyuhan ko kung kailan siya ulit bubuksan di ko alam kung kailan,” dagdag niya nang umiiyak.

Breadwinner si Mariano na sinusuportahan ang mga magulang na senior citizen.

“Every time na may nangyayari sa akin, lagi ko kinukuwento sa nanay ko sa papa ko… Wala naman ako narinig sa kanila. Siguro ang alam nila yung bigat ng mawalan ka ng trabaho. Sinabi nila ok, pero alam kong hindi ok,” ani Mariano.

Sa loob ng tanggapan hindi matukoy kung ang isang empleyado ay natanggal o isa sa mga sasalo ng trabahong naiwan— gayunman, gusto ng isa’t isa na yumakap pero hindi magawa dahil sa pandemya.

— Ulat ni Jeff Canoy, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
ABS-CBN
ABS-CBN franchise
ABS-CBN employees
ABS-CBN employee retrenchment
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT