300 shipping containers sa Pasay, gagamiting COVID-19 isolation rooms | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

300 shipping containers sa Pasay, gagamiting COVID-19 isolation rooms

300 shipping containers sa Pasay, gagamiting COVID-19 isolation rooms

Fred Cipres,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Malapit nang matapos ang kombersyon ng nasa 300 na mga shipping container sa Pasay City para gawing isolation rooms para sa mga COVID-19 patients ng lungsod.

Ayon sa Pasay City public information office nitong Huwebes, bukod sa mga higaan, bawat container ay nilagyan ng airconditioning units, palikuran at paliguan.

Nakapwesto ang mga container sa Mall of Asia Complex at Cultural Center of the Philippines complex.

Ayon kay Pasay PIO chief Eduardo Burgos Jr., sa loob ng 2 linggo ay posible nang magamit ang mga bagong gawang isolation rooms. Mga tauhan ng city health office ang magii-screen sa mga pasyente na patutuluyin sa quarantine facility na ito.

ADVERTISEMENT

Sa pinakahuling tala ng Pasay LGU, pumalo na sa 3,423 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod, at 597 dito ay mga active cases o kasalukuyan pang ginagamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.