One-way scheme sa EDSA iminungkahi para maibsan ang trapiko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
One-way scheme sa EDSA iminungkahi para maibsan ang trapiko

ABS-CBN News
Published Aug 28, 2019 06:30 PM PHT
|
Updated Aug 28, 2019 09:13 PM PHT

Iminungkahi ng grupo ng mga inhenyero sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing one way ang traffic scheme sa EDSA upang maibsan ang problema sa trapiko sa naturang kalsada.

Sinabi ni Fernando Guevarra, mula sa grupo ng mga inhenyero sa ilalim ng GPI Engineers Inc., na mas magiging mabilis ang daloy ng trapiko kung gagawing pa-southbound lang ang EDSA habang northbound lang ang C-5 Road.

Batay sa higit isang taong pag-aaral, magiging 40 kilometro kada oras ang average na biyahe sa EDSA mula sa kasalukuyang 19 kilometro kada oras kung ipatutupad ang one-way traffic scheme.

Naniniwala si Guevarra na hindi na kailangan ng dagdag na impraestruktura kung ipatutupad ang kaniyang mungkahi.

ADVERTISEMENT
Pasok din sa mungkahi ang paglalagay ng mga karagdagang bus stops at pagpapabuti sa bus system, at paggamit ng mga radial at arterial road.

Ayon kay Guevarra, 2015 pa niya ipinanukala ang scheme sa gobyerno.

Ipapasa naman daw ng MMDA ang suhestiyon sa Department of Transportation para pag-aralan nito.

HPG MAY BABALA SA MGA MOTORISTA
Samantala, sinabi naman ni Brig Gen. Eliseo Cruz, ang bagong talagang pinuno ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng batas trapiko sa EDSA.

Bukod umano sa paghuli sa mga carnapper at mga nangha-highway robbery, didisiplinahin din umano ng HPG ang mga motoristang hindi sumusunod sa batas trapiko.

"Nag-violate sila ay sisiguraduhin naming huhulihin sila," ani Cruz.

Sa utos ng HPG chief, huli at tiket ang katapat ng lahat ng makitang violator.

"Sundin lamang ang batas trapiko at ito ang isang dahilan na masiguro nating luluwag ang daloy ng trapiko," ani Cruz.

Binalaan din ni Cruz ang mga tauhan ng HPG na bawal ang pangongotong.

Nasa 171 tauhan ng HPG ang ipinakalat sa EDSA, 20 patrol cars at may 36 na motorcycle riders.

-- Ulat nina Doris Bigornia at Henry Atuelan, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
EDSA
motorista
trapiko
traffic scheme
one-way traffic scheme
C-5 Road
Metropolitan Manila Development Authority
transportasyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT