Baybayin ng Lapu-Lapu City, tambak ng basura | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baybayin ng Lapu-Lapu City, tambak ng basura

ABS-CBN News
Published Aug 28, 2019 11:25 PM PHT

CEBU—Tambak ng basura ang bahagi ng baybayin ng Barangay Canjulao, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Miyerkoles.

Ayon sa mga residente, kalimitang naiipon ang sangkaterbang basura sa lugar kung malakas ang hangin at alon.

Karamihan sa mga ito ay napupunta umano sa kanilang mga bahay kapag tumataas ang tubig sa karagatan. Apektado rin sa tambak ng basura ang pagtubo ng mga mangrove.

Pagkaklaro ng mga residente, hindi galing sa kanila ang mga basura. Inaanod lamang ito sa kanilang baybayin mula sa ibang lugar.

ADVERTISEMENT
Ayon naman sa barangay, regular nila itong nililinis at kadalasang umaabot umano sa 3 trak ang nahahakot nilang basura.

Dinadala ang mga ito sa material recovery facility ng lungsod.—Ulat ni Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News