6 sugatan sa salpukan ng jeep, kotse sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
6 sugatan sa salpukan ng jeep, kotse sa QC

Isay Reyes,
ABS-CBN News
Published Aug 28, 2018 09:12 AM PHT

Anim ang sugatan matapos mag salpukan ang isang pampasaherong jeep at sasakyan sa Quezon Ave. Sakay ng jeep ang karamihan sa mga nasugatan na agad sinugod sa ospital. Isang nag aabang na matandang babae rin ang nadamay nang masagasaan ng jeep. @ABSCBNNews @DZMMTeleRadyo pic.twitter.com/C08ysHkCVI
— Isay Reyes (@isay_reyes) August 28, 2018

MAYNILA - Sugatan ang 6 na indibidwal sa salpukan ng isang pampasaherong jeep at isang kotse sa bahagi ng Quezon Avenue sa Quezon City, Martes ng umaga.

Dinala sa ospital ang mga sugatan kabilang ang drayber ng jeep na si Ernan Dumas, gayundin ang matandang babae na natamaan habang nag-aabang ng masasakyan.

Ayon sa mga awtoridad, paparada sana ang pulang kotse sa tabi ng kalsada bandang alas-8 ng umaga nang salpukin ito ng humaharurot na jeep.

Sa lakas ng pagkakabangga, nakayod pa ng jeep ang kotse bago bumangga sa nakaparadang motorsiklo at tuluyang tumigil nang tumama na ito sa pader.

Nalaglag ang propeller, bumaluktot ang chassis, at nayupi ang harapang bahagi ng jeep na biyaheng Fairview-Quiapo, habang yupi naman ang kanang bahagi ng pulang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.