35 batang bakwit mula Marawi, bibisita sa Palasyo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
35 batang bakwit mula Marawi, bibisita sa Palasyo

Raphael Bosano,
ABS-CBN News
Published Aug 28, 2017 04:04 PM PHT

JTF Marawi holds send off ceremony for child evacuees bound for an educational tour in Manila. pic.twitter.com/71ExeOaImQ
— Raph Bosano (@raphbosano) August 28, 2017

MARAWI - Binigyan ng pagkakataon ng Joint Task Force Marawi ang 35 bata bakwit na makabiyahe sa Maynila para maranasan ang mas mapayapang kapaligiran.

Ayon sa mga awtoridad, matindi ang naranasang trauma ng mga bata bunsod ng mahigit 3 buwan ng digmaan sa lungsod.

Malaki umano ang maitutulong ng pagbisita sa Maynila para malibang at ma-expose sa mga bagay sa labas ng conflict area.

Pagkakataon na rin ito para may mga bagong matutuhan ang mga bata, lalo't natigil ang kanilang pag-aaral dahil sa bakbakan.

Nakatakdang bumisita sa National Museum, The Mind Museum at Manila Ocean Park ang mga bata bilang bahagi ng educational tour.

Bibisita rin ang mga bata sa Malakanyang para makaharap si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa send-off ceremony, Lunes, emosyonal ang ilang magulang dahil naalala raw nila ang pagkawasak ng kanilang bayan.

Ang ilan sa kanila, binilinan pa ang anak na kapag nakausap ang Pangulo ay humingi ng tulong para matapos na ang gulo, lalo na ang mga pambobomba.