Pagtatalik umano ng barangay chairman, treasurer na nahuli sa Zoom, iniimbestigahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagtatalik umano ng barangay chairman, treasurer na nahuli sa Zoom, iniimbestigahan

ABS-CBN News
Published Aug 27, 2020 01:40 PM PHT

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.
MAYNILA - Paiimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government ang kaso ng isang barangay chairman na nakita sa Zoom meeting na nakikipagtalik umano sa barangay treasurer sa mismong barangay hall sa Dasmarinas, Cavite.

"Kaagad-agad ho paiimbestigahan natin sa ating regional offices kung ano ang mga posibleng violation nito dahil nga po this is conduct unbecoming of a public official, mayroon po tayong code of conduct of public official mukhang marami pong nalabag na mga probisyon doon sa batas na 'yun," ani DILG Spokesperson Jonathan Malaya.

Sa Teleradyo, sinabi ni Barangay Fatima SK Chairman Jamil Ibardolaza na napanood ng buong konseho ang ginawa ng dalawa.

Aksidente umanong nalimutang takpan ng kapitan ang camera ng kaniyang cellphone.

ADVERTISEMENT
"Bale dalawa kasi 'yung device na nagamit n'ya daw, 'yung isa laptop, 'yung isa ay phone and then gagawin na nila ang act na 'yun. Tinakpan n'ya si laptop then nakalimutan niya na patay sa cellphone kaya na broadcast,” ani Ibardolaza.

Dahil sa insidente, pumirma na aniya ang buong barangay para sa isang petisyon para palitan ang kanilang kapitan.

Nagpaalala na rin aniya sila sa mga kabataan na huwag nang ipakalat ang video.

Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Zoom
Zoom call
Zoom meeting
pagtatalik
Cavite
regional news
regional stories
Barangay Fatima
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT