Contact tracing app iminumungkahi ng DILG | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Contact tracing app iminumungkahi ng DILG

Contact tracing app iminumungkahi ng DILG

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2020 07:53 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Imimungkahi ng Department of the Interior and Local Government ang pagkakaroon ng libreng downloadable na app para sa contact tracing upang hindi na mahirapan ang mga negosyo at establisimyento.

Sa ngayon, karamihan ng mga negosyo at establisimyento ay gumagamit ng mga log book o papel na form, kung saan isinusulat ng mga tao ang kanilang mga detalye para sa contact tracing tulad ng petsa, oras o time of visit, pangalan, address, contact number at body temperature.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, mas mainam ang paggamit ng isang app o QR code para sa contact tracing.

Mayroon din kasi umanong mga negosyong nahihirapan sa log books o contact tracing forms dahil minsa'y hindi kumpleto ang impormasyong sinusulat o may mga taong ayaw humawak ng ballpen.

ADVERTISEMENT

"Ang pinakamaganda talaga is 'yong QR code or 'yong Google Form, 'yon ang the best, given na may mga negosyo tayong nahihirapan," sabi ni Malaya.

"We will mention this to the DICT (Department of Information and Communications Technology), para magkaroon tayo ng free na downloadable na app na pwede gamitin ng mga negosyo, na hindi na sila gagastos," ani Malaya.

Nauna na ring sinabi ni contact tracing czar Benjamin Magalong na kailangang mas paigtingin ang ginagawa para sa contact tracing, gaya ng pagkakaroon ng app para hindi mano-mano ang pag-encode ng mga contact tracing team.

Habang wala pa ang app, hinimok ng DILG na ingatan muna ng mga establisimyento ang kanilang mga form na papel.

Muling nagpaalala ang DILG na maaaring mapasara o ma-revoke ang business license at permit ng isang establisimyento sa oras na mahuling walang health declaration o contact tracing form sa mga kostumer.

-- Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.