PatrolPH

Kawani ng BuCor, patay sa pamamaril sa Muntinlupa

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2019 04:40 PM

MAYNILA - Patay ang isang kawani ng Bureau of Corrections matapos pagbabarilin sa Muntinlupa, Martes ng hapon.

Ayon kay Col. Gerry Umayao, hepe ng Muntinlupa City Police, non-uniformed personnel ang biktimang si Ruperto Traya na may posisyon bilang chief admin officer 3 sa BuCor.

Bumaba umano ng kaniyang sasakyan ang biktima para buksan ang gate ng kaniyang paradahan sa bahagi ng 1134 Amparo Street, Barangay Poblacion sa Muntinlupa City nang sumulpot ang salarin at pinagbabaril siya.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.