Lalaki balik kulungan matapos mahuli sa buy-bust operation | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki balik kulungan matapos mahuli sa buy-bust operation

Champ de Lunas,
ABS-CBN News
Published Aug 26, 2023 09:06 AM PHT

MANILA -- Nahuli ang 49-anyos na tricycle driver matapos ang isang buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District Station 6 sa Commonwealth Avenue, Barangay Old Balara, Quezon City, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Major Kenneth Leaño, Deputy Commander ng Batasan Police Station 6, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa ilang residente tungkol sa pagbebenta ng suspek ng ilegal droga sa lugar.

Nakuha mula sa suspek ang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Dagdag ni Leaño, base sa kanilang record ay dati nang nakulong ang suspek dahil din sa pagbebenta ng ilegal na droga.

"Nahuli siya dati sa Payatas at nakulong din dito sa station 6. Noong 2003 nagbuno siya ng 13 years sa kulungan and nito nga bumalik na naman siya sa pagbebenta ng shabu," paliwanag ni Police Major Leaño.

Hindi nagbigay ng detalye ang suspek sa mga paratang sa kanya: "Wala po ako masasabi. No comment na po ako dyan sir."

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.