Guro nalunod habang pauwi mula eskuwelahan sa Agusan del Sur | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guro nalunod habang pauwi mula eskuwelahan sa Agusan del Sur

Guro nalunod habang pauwi mula eskuwelahan sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Nalunod ang isang guro sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur matapos ragasain ng tubig ang sinasakyang balsa.

Natagpuan ang bangkay ng gurong si Junard Saguidon nitong Biyernes.

Isinakay sa balsa ang katawan ng gurong si Junard Saguidon matapos itong makita Biyernes ng umaga na nagpalutang-lutang sa Pusilao River sa Sitio Balobo, Purok 5, Barangay Bunaguit sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur.

Ayon sa kaibigang si Elmer Tayon, galing pa ang biktima sa Guibonon Elementary School sa nasabing bayan na dumalo sa pagtatapos ng National Learning Camp.

ADVERTISEMENT

Sakay ng balsa si Saguidon patawid na ang biktima kasama ang tatlo pang guro sa Calabuan River nang biglang rumagasa ang malakas na tubig sa ilog.

Pinayuhan na umano ng mga residente ang apat na guro na huwag nang tumuloy pa sa pagtawid dahil sa baha, pero dahil nasa gitna na sila at sa kagustuhan na makauwi ay tumuloy sila.

Nalunod si Saguidon habang nakaligtas naman ang tatlong kasamahan nito.

Sa inilabas na advisory ng PAGASA noong Huwebes, nakakaranas ng maulap na kalangitan na may mga pagkulog, pagkidlat at pag ulan ang Agusan del Sur dulot ng habagat.

Dagdag pa ni Tayon, mula sa sentro ng Esperanza apat na malalaking ilog ang tatawirin at isinasakay lang ng mga guro ang kanilang motorsiklo sa balsa kung tatawid.

Pinuri naman ni Tayon ang namatay na kaibigan sa dedikasyon nito sa serbisyo bilang guro.

Nakiramay naman ang pamunuan ng Department of Education Caraga sa pagkamatay ng gurong si Saguidon.

-- Ulat ni Charmaine Awitan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.