321 menor de edad nagka-COVID mula 2020
(UPDATE) Dumarami ang bilang ng mga menor de edad na nahahawa ng COVID-19 sa Mati, Davao Oriental, ayon sa pamahalaang panlungsod.
Sa tala ng city health office, umabot na sa 321 na menor de edad ang nagka-COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya.
Noong 2020, nasa 27 lamang na menor de edad ang nagka-COVID-19 at lahat sila ay gumaling.
Pero ngayong 2021, umabot sa 294 na kabataan ang nahawa sa Mati, kung saan pumanaw ang isang 3 anyos at 1-buwang gulang na sanggol.
Pinakamaraming menor de edad na nagka-COVID ang naitala ngayong buwan na aabot sa 112
Sa pahayag ng pamahalaan ng Mati noong Miyerkoles, pumanaw ang 1-buwang sanggol na lalaki noong Agosto 12.
Dalawang Delta variant cases rin ang naitala sa lungsod.
Sa pinakahuling tala ng LGU nitong Miyerkoles, mayroon nang 2,056 na kaso ng COVID-19 sa kanila, 410 dito ang aktibong kaso at 45 ang namatay.—Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Davao Oriental, Mati City, COVID-19, coronavirus, Mati City COVID-19, menor de edad, Tagalog news