PatrolPH

Residential area sa Makati City, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2021 07:50 PM | Updated as of Aug 26 2021 08:24 PM

MAYNILA (UPDATED) - Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Langka street sa Brgy. Comembo, Makati City nitong Huwebes ng hapon. 

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Makati, itinaas ang unang alarma sa sunog bandang alas-4:38 ng hapon. 

Umabot lang hanggang ika-2 alarma ang sunog hanggang naideklarang fire under control na ito ni Fire Chief Insp. Joel Karl Blando bandang alas-5:43 p.m.

Tuluyan namang naapula ang apoy bandang alas-6:36 ng gabi, ayon kay Blando. 

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung ilang bahay at mga pamilya ang naapektuhan. 

— Joyce Balancio, ABS-CBN News
 
Abangan ang iba pang mga detalye.

BALIKAN

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.