Munisipyo sa San Joaquin, Iloilo ini-lockdown; 18 kawani nahawa ng COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Munisipyo sa San Joaquin, Iloilo ini-lockdown; 18 kawani nahawa ng COVID-19

ABS-CBN News
Published Aug 26, 2021 03:51 PM PHT

Isinailalim sa lockdown ang munisipyo ng San Joaquin, Iloilo simula ngayong Huwebes matapos magpositibo sa COVID-19 ang 18 kawani.

Ayon sa anunsiyo ng lokal na pamahalaan, nag-lockdown ang munisipyo para magsagawa ng disinfection. Muli itong bubuksan sa Setyembre 1.

May inilagay namang operation center ang lokal na pamahalaan sa harap ng munisipyo para sa may mga transaksiyon at mga residenteng nangangailangan ng serbisyo.

Una umanong nagpositibo ang 4 na kawani noong Lunes kaya agad nagpa-swab test sa mga close contact.
Una umanong nagpositibo ang 4 na kawani noong Lunes kaya agad nagpa-swab test sa mga close contact.
ADVERTISEMENT
Noong Huwebes, lumabas ang resulta at nadagdag ang 14 pang tauhan ng munisipyo. Karamihan sa kanila'y asymptomatic.

Sa datos ng Iloilo Provincial Health Office noong Miyerkoles, ang San Joaquin ang nangunguna sa mga lugar na may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa kabuuang bilang na 64.

Samantala, umabot naman sa 369 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa probinsiya. Nasa 574 naman ang namatay sa COVID-19 sa Iloilo.

Sa Eastern Visayas naman, nadagdagan ng 2 ang kaso ng mas nakahahawang Delta variant, ayon sa regional office ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, umakyat sa 14 ang bilang ng mga may Delta variant sa rehiyon.

Parehong returning overseas Filipino ang 2 pasyente: isang seafarer at isang 8-buwang buntis na dating nagtatrabaho sa United Arab Emirates.

Nilinaw ng DOH na ang seafarer ay hindi pa nakauwi sa Hilongos, Leyte at patuloy na naka-quarantine sa Maynila habang ang buntis naman ay nakauwi sa Hindang, Leyte noong Agosto 9.

Ayon sa DOH, negatibo ang swab test result ng nag-iisang close contact ng buntis na pasyente.

Wala rin umanong nakitang problema sa pagbubuntis ng pasyente.

Nakapagtala noong Miyerkoles ang DOH ng 13,573 bagong kaso ng COVID-19 para sa 1,883,088 kabuuang bilang, kung saan 125,378 ang active cases.

— Ulat nina Rolen Escaniel at Sharon Evite
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Covid-19
San Joaquin
Iloilo
Eastern Visayas
Delta variant
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT