Ex-CBCP president Oscar Cruz pumanaw na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ex-CBCP president Oscar Cruz pumanaw na

Ex-CBCP president Oscar Cruz pumanaw na

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 26, 2020 07:16 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Pumanaw nitong umaga ng Miyerkoles si Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz sa edad na 85 dahil sa "lingering illness," sabi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Matagal nang labas-masok sa ospital si Cruz mula nang unang magka-pneumonia noong 2017, ayon kay Monsignor Pedro Quitorio, media director ng CBCP, ang samahan ng mga Catholic bishop sa bansa na minsan ding pinamunuan ni Cruz.

Krusada kontra jueteng

Madalas noon kundenahin ni Cruz ang mga tiwali sa gobyerno maging ang mga kapuwa niya pari na may ginagawang pag-abuso.

Katunayan, naging tinik si Cruz sa lalamunan ng mga dating pangulo dahil sa anghang ng kaniyang mga banat.

ADVERTISEMENT

Hindi nakaligtas dito si dating pangulong Joseph Estrada, na kalauna'y napatalsik kaugnay sa jueteng.

Pinutakti rin ni Cruz ng batikos si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa lalong paglaganap ng jueteng sa ilalim ng pamumuno nito.

Napag-alaman ito ng obispo dahil na rin sa lawak ng network ng kaniyang grupong Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng.

Ilang beses ding ibinunyag ni Cruz sa mga pagdinig sa Kongreso ang lawak ng katiwalian kaugnay sa jueteng.

Kalaunan, inamin ni Cruz na tila walang nangyari dahil namamayagpag pa rin ang sugal sa kabila ng kaniyang mga ginawa.

Noong 2014, isa rin si Cruz sa mga pumirma ng reklamong impeachment laban kay dating pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa disbursement acceleration program.

Nauna rito, lumaban din nang matindi si Cruz laban sa Reproductive Health Law na ipinasa ng mga kaalyado ni Aquino sa Kongreso.

Itinuturing ding aktibista si Cruz dahil na rin sa pakikilahok niya sa iba't ibang isyu, na nakabatay umano sa tama at turo ng simbahan.

Mismong mga kapuwa obispo ni Cruz ay binanatan din niya, lalo nang umugong ang balitang nakatanggap ang ilan sa kanila ng Pajero galing kay Arroyo.

Kalaunan noong 2011, inamin sa pagdinig sa Senado ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office chairwoman Margie Juico na walang ipinamigay na Pajero. Bagkus, ito'y hindi kamahalang utility vehicle na ginamit sa iba't ibang proyekto ng simbahan.

Sa ilalim ni Pangulong Duterte, ilang beses ding bumanat si Cruz kaugnay sa patayan kaugnay sa kampanya kontra ilegal na droga.

Nagbabala noon si Cruz tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng "culture of death."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.