Mga may-ari ng tindahan ng tsinelas sa Laguna umaaray sa epekto ng pandemya | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga may-ari ng tindahan ng tsinelas sa Laguna umaaray sa epekto ng pandemya

Mga may-ari ng tindahan ng tsinelas sa Laguna umaaray sa epekto ng pandemya

Dennis Datu,

ABS-CBN News

Clipboard

Sampung taon nang nagtitinda ng tsinelas si Lourdes Coria pero dahil sa COVID-19 pandemic, bagsak ang kita ng kaniyang kabuhayan at halos P1 milyon na ang lugi.

Si Coria na rin lang ang tumatao sa tindahan nila sa Liliw, Laguna sa halip na magbayad pa ng mga tindera.

"Kung noon nakaka-P30,000 ka ngayon siguro malaki na ang P5,000. 'Yon ang nakakalungkot," ani Coria.

Ayon din sa tindera na si Maribel Tiay, 5 hanggang 10 piraso ng tsinelas na lang ang naibebenta niya kada araw.

ADVERTISEMENT

"Noong araw, noong hindi ganito ang situwasyon, maaga pa lamang, maganda na ang benta mo," ani Tiay.

Sarado pa rin ang ibang mga tindahan dahil hindi na umano nila kayang magbayad pa ng renta sa oras na magbukas na muli sila ng puwesto.

Kilala ang bayan ng Liliw sa magaganda at matitibay na tsinelas pero dahil sa pandemya, hindi lang kabuhayan ng mga negosyante ang naapektuhan kundi pati ang ekonomiya ng bayan.

"Bagsak na bagsak talaga," ani Liliw Mayor Ericson Sulibit.

"Malaki ang epekto ng pagkawala ng tsinelas actually sa pondo namin," aniya.

ADVERTISEMENT

Wala nang namimili sa mga tindahan ng tsinelas na nakahilera sa kalye ng Gat Tayaw, na dating dinayo ng mga turista.

Bawal na rin kasing pumasok ang mga turista sa bayan sa ilalim ng mga patakaran ng general community quarantine.

Sa tulong ng Department of Trade and Industry, online muna ang bentahan ng mga tsinelas ng Liliw. Bumuo ang lokal na pamahalaan at mga may-ari ng tindahan ng Facebook page.

Sa kabila nito, hindi pa rin ganoon kalakas ang benta kaya nangangamba ang mga negosyante at local government unit na baka tuluyan nang patayin ng pandemya ang industriya ng pagtsitsinelas.

"ang ikinatatakot namin 'YONG pagbagsak ng industriya ng tsinelas," ani Tiay.

ADVERTISEMENT

"Nakakatakot na puwedeng dumating sa ganoong pagkakataon pero iisip tayo ng mga programa para maproteksyonan ang industriya," ani Sulibit.

Sa mga magtsitsinelas, maisasalba lamang ang kanilang industriya kung makapapasok muli ang mga turista sa bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.