Duterte sinabihan umano ng doktor na malapit sa Stage 1 cancer ang Barrett’s esophagus niya

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte sinabihan umano ng doktor na malapit sa Stage 1 cancer ang Barrett’s esophagus niya

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 25, 2020 11:04 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang public address na inere nitong Martes ng umaga na pinapayuhan siya ng doktor na iwasan na ang pag-iinom.

Ito ay dahil malapit na umano sa Stage 1 cancer ang kasalukuyan niyang Barrett's esophagus.

Matatandaang una nang inamin noon ng Pangulo sa kaniyang mga nakaraang talumpati na mayroon siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus at spinal issues.

“Matagal na kami sa gobyerno, magpa-retire na lang, bakit pa namin pagsayangan? Kakaunting panahon na lang ang naiwan so walang --- walang --- walang ganang --- wala nang ganang kumain," aniya.

ADVERTISEMENT

“May pera ka naman, hindi ka na makakain kay sabi ng doktor huwag kang kumain ng taba kasi mamatay ka. Ikaw Duterte, huwag ka nang uminom kasi ‘yang Barrett mo nearing Stage 1 ka sa cancer. So hindi na rin."

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mabuti naman ang kalagayan ng Pangulo ngayon.

Pinabulaan din nito ang kumalat kamakailan lang na mga balitang lumipad ang Pangulo patungong Singapore para sa isang emergency treatment.

Ilang petisyon ang naihain na sa Korte Suprema para maisapubliko ang medical records ng Pangulo para malaman kung nasa tamang kondisyon ba siya para pamunuan ang bansa, pero hindi ito kinakatigan ng mataas na hukuman dahil umano sa kawalan ng matibay na basehan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.