Ilang bahay sa Abra, pinangangambahang gumuho | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahay sa Abra, pinangangambahang gumuho

Ilang bahay sa Abra, pinangangambahang gumuho

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

Clipboard

Pansamantalang pinalikas muna ang mga residenteng nakatira sa mga bahay na posibleng gumuho dahil sa paglambot ng lupa dala ng patuloy na pag-ulan sa Abra. Larawan mula kay Charo Bringas, Abra Radio Joy FM.

BAGUIO CITY- Ilang mga bahay sa Pidigan, lalawigan ng Abra ang pinangangambahang gumuho dahil sa paglambot ng lupa matapos na tumaas ang tubig sa ilog.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO), tumaas ang tubig sa Abra river dahil sa patuloy na pag-ulan.

Pansamantalang pinaalis muna sa kanilang mga tahanan ang mga apektadong residente.

Apektado rin ng pag-ulan ang mga nakatira sa landslide prone area sa nasabing bayan.

ADVERTISEMENT

Nasa higit 100 na umano ang kasalukuyang nasa mga evacuation site tulad ng mga paaralan at barangay hall.

Halos isang buwan nang nakakaranas ng pag-ulan ang lalawigan at ilang bahagi ng Cordillera dahil sa habagat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.