4 sugatan sa sunog sa residential area sa Las Piñas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

4 sugatan sa sunog sa residential area sa Las Piñas

4 sugatan sa sunog sa residential area sa Las Piñas

Karen De Guzman,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 24, 2023 08:57 PM PHT

Clipboard

Sunog sumiklab sa isang residential area sa Las Piñas Contributed photo
Sunog sumiklab sa isang residential area sa Las Piñas. Contributed photo

MAYNILA — Nagtamo ng mga galos sa katawan ang apat na tao matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Talon 5, Las Piñas City nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Ricky Deloso, 49, nakarinig siya ng mga pagsabog mula sa nasusunog na mga bahay. Sa pagmamadali, sumabit aniya ang kaniyang kanang binti sa nakausli na yero habang sinasalba ang kanilang mga gamit.

“Nung pagsabog, biglang itim ng usok, laki ng apoy, biglang kumalat dito. Nag-panic na po ako. Pumasok ako sa loob, nagbuhat ako ng mga gamit. Pagbuhat ko, nadapa ako doon. Tumama ang paa ko sa may yero,” ani Deloso.

Mabuti na lang aniya ay nagbago ang direksyon ng hangin kaya hindi nadamay ang kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

May narinig na pagsabog sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Las Piñas. Contributed video

Na-trap naman sa loob ng ikalawang palapag ng bahay ang senior citizen na si Jose Saralde, 67, nang balikan niya ang ilang dokumento ng anak.

“Naisipan ko kunin ko ‘yung ibang mga papeles ng anak ko, nakuha ko ‘yung sa panganay ko lang. Ngayon, na-trap na ko diyan, tumalon na lang ako. Hindi na ako makaano doon, dito na lang ako lumabas,” kuwento ni Saralde.

Agad nabigyan ng paunang lunas ang mga nasugatan na residente.

Watch more News on iWantTFC

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-6 ng gabi nagsimula ang sunog na mabilis kumalat dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

“Medyo mahirap kasi masikip po ‘yung daan. Ang sikip talaga. Tapos sala-salabat ‘yung mga kuryente ‘pag bumagsak na. So hirap talaga kaming dumaan,” ayon kay City Fire Marshal Supt. Melchor Isidro.

ADVERTISEMENT

Watch more News on iWantTFC

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog kung saan hindi bababa sa 8 truck ng bumbero ang rumesponde.

Pasado alas-9 ng gabi nang tuluyang maapula ang apoy na tumupok sa 20 bahay.

Sa inisyal na tala ng Las Piñas City Social Welfare and Development (CSWD), 37 na pamilya o 148 na indibidwal ang nawalan ng tirahan.

Nagtayo ng modular tents ang lokal na pamahaalan sa covered court ng barangay na nagsisilbing evacuation area ng mga nasunugan.

Ayon kay Punong Barangay Josefina Bumanlag, ito na ang pangatlong sunog sa kanilang barangay ngayong taon.

ADVERTISEMENT

“Parati po kaming nagtatalakayan at sinasabi nga namin na mag-ingat. Nananawagan po kami sa may ginintuang puso na kailangan po ngayon ng aming mga residente dito ng mga used clothes kasi wala po silang naligtas na mga damit, banig, kumot, at saka pagkain,” sabi ni Bumanlag.

Tinatayang nasa P2.2 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa mga ari-arian ayon sa BFP.

Watch more News on iWantTFC

Read More:

Las Pinas

|

sunog

|

fire

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.