Germany kailangan ng 750 Pinoy Nurses - POEA | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Germany kailangan ng 750 Pinoy Nurses - POEA

Jerome Fadriquela | TFC News
Published Aug 24, 2021 09:44 AM PHT

Inanunsyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ng karagdagang 750 Pinoy nurses ang Germany sa ilalim ng Triple Win Project ng ahensya.

Ang Triple Win project ay government-to-government healthcare employment cooperation program sa pagitan ng Pilipinas at Germany.

Kasalukuyang tumatanggap ang POEA ng aplikasyon sa pamamagitan kanilang government hiring facility. Ayon sa International Placement Service ng German Federal Employment Agency (ZAV/BA) kailangan nila ng 750 registered nurses para sa ICU, geriatric care o elderly care, general wards, medical at surgery wards, operating room, neurology, orthopedics, at psychiatry.

Sa mga interesadong maging nurse sa Germany, kailangan ay Filipino citizen, permanent resident ng Pilipinas, may Bachelor of Science in Nursing degree, may active Philippine Nursing License at may isang taong related experience sa mga ospital, rehabilitation centers o iba pang health care institutions.

ADVERTISEMENT
Kailangan din ng German language proficiency at handang sumailalim sa German language training na babayaran ng ZAV/BA. Umaabot ng €2,300 o Php 135,700 ang buwanang sahod. Tataas ito at magiging € 2,800 o Php 165,200 kung magiging qualified nurse sa Germany at may bunos pa na €250 kung pasado sa A2 and B1 language exams sa first take. Ang employer ang magbabayad ng visa at airfare mula Pilipinas patungong Germany. Tutulungan ding makahanap ng accommodation ang Pinoy nurse pagdating niya sa Germany.

Kung interesado, mag-register lang online sa www.poea.gov.ph. Pinapayuhan ng POEA ang mga Pinoy nurse na gustong magtrabaho sa Germany o sa ibang bansa na mag-ingat sa job ads na nakikita sa social media at magtanong lamang sa POEA.

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT