Nahintong rice smuggling, sanhi ng krisis sa bigas sa Zamboanga City: DA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nahintong rice smuggling, sanhi ng krisis sa bigas sa Zamboanga City: DA

ABS-CBN News
Published Aug 24, 2018 11:14 PM PHT
|
Updated Aug 24, 2018 11:28 PM PHT

Ang biglaang pagkawala ng smuggled rice sa Zamboanga City ang isa sa nakitang dahilan kung bakit nagkakaroon ngayon ng problema sa suplay ng bigas ang lungsod.
Nitong Enero at Abril kasi, naharang ng Coast Guard at Navy ang 80,000 sako ng hinihinalang smuggled na bigas na galing umanong Malaysia.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, kinulang ng suplay ng bigas sa Zamboanga City dahil hindi na makapasok ang smuggled rice mula nang isara ang maritime border sa Malaysia.

"Itong Zamboanga City, Basilan, Sulu, and Tawi-Tawi, for so long, depended on smuggled rice crossing the border from Sabah. Eh 'yung imported rice na smuggled, actually binebenta ng P29 [and] it was an open secret, but it virtually killed the rice industry of the region," ani Piñol.

Nakipagpulong na si Piñol sa mga opisyal ng Zamboanga City kaugnay ng rice crisis. Nataon din daw kasi na lean months ngayon kaya nadagdagan ang problema.

Paniniguro niya, "tapos" na ang krisis sa bigas dahil dumating na ang mga bagong stock ng bigas mula sa National Food Authority (NFA).

"Let me declare officially today with the arrival of the new stocks of NFA (rice), that there is no more crisis in Zamboanga," ayon sa kalihim.

Gayumpaman, puwede pa ring isailalim sa state of calamity ang lungsod para maibalik sa normal ang presyo ng bigas.

Sa kabila kasi ng pagdating ng mga NFA rice, naglalaro pa rin sa P50 hanggang P60 ang kada kilo ng bigas sa mga pamilihan.

Hihilingin din ng mga lokal na pamahalaaan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang special allocation ng 132,000 metric tons ng bigas para sa Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

—Ulat ni RJ Rosalado, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT