Suspek sa umano'y rape-slay ng babae sa Malabon, timbog | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Suspek sa umano'y rape-slay ng babae sa Malabon, timbog

ABS-CBN News
Published Aug 23, 2022 01:06 PM PHT

Naaresto na ng mga awtoridad ang isang lalaking suspek sa pagpatay at posibleng paggahasa sa isang babae sa Malabon City noong Lunes.

Natimbog sa Malolos, Bulacan ang lalaki na idinadawit sa pagpatay sa 29 anyos na biktima.

Natagpuan ang bangkay ng babae at aso niya sa loob ng inuupahang bahay sa Barangay Baritan, Malabon.

Sa pahayag ng nobyo ng biktima sa mga pulis, sinabi nitong bigla na lang hindi sumagot sa kaniyang mga tawag at text ang nobya kaya sinadya niya ito sa bahay.

ADVERTISEMENT
"Pagsilip ng boyfriend doon sa bahay, nakita niya na 'yon nga, wala nang buhay 'yong kanyang girlfriend," ani Col. Albert Barot, hepe ng Malabon police.

Hinihinala ring ginahasa ang babae dahil natagpuan itong wala nang suot pang-ibaba, ani Barot.

Palaisipan naman sa mga awtoridad kung paano nakapasok ang suspek sa bahay.

"Wala kaming nakita na sign of forced entry, so nandoon [sa] assessment namin na naiwan bukas ['yong] pinto, pumasok ['yong] suspek," ani Barot.

"Most probably mayroon struggle kasi nagkalat gamit doon sa kuwarto," dagdag ng pulis.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

— Ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT