Hiling na tulong para sa komunidad ng Valenzuela youth group natugunan | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hiling na tulong para sa komunidad ng Valenzuela youth group natugunan

Hiling na tulong para sa komunidad ng Valenzuela youth group natugunan

ABS-CBN News

Clipboard

Naghatid ng tulong ang ABS-CBN Foundation katuwang ang isang youth organization sa mga residente ng isang purok sa Valenzuela City.

Dala ng ABS-CBN ang relief goods kabilang ang mga bigas at de lata pati hygiene kits para sa 300 pamilya ng Purok 4, Barangay Mapulang Lupa sa Valenzuela.

Kasama sa mga nahatiran ng tulong ang company driver na si Joni Adriatico, na hindi regular ang natatanggap na sahod dahil sa pandemya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

May sakit sa kidney ang asawa ni Adriatico kaya hindi ito makapagtrabaho. Natigil din sa trabaho bilang rider sa isang delivery company ang isa niyang anak.

ADVERTISEMENT

"Dating walang pandemya, maganda ang aking kita. Sa ngayon, wala rin kaming nakuha suporta mula sa amo namin," ani Adriatico.

Tinugunan ng ABS-CBN Foundation ang sulat ng Pangkoy Youth Organization, na humiling ng suporta para sa mga residente ng purok.

Ang Pangkoy Youth Organization ay binubuo ng mga out-of-school youth na nais tumulong sa kanilang mga kasama sa komunidad, sabi ng pangulo ng grupong si Franklin Bantig.

— Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.