Love triangle 'yan: Rapist-killer Sanchez nanindigang inosente siya | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Love triangle 'yan: Rapist-killer Sanchez nanindigang inosente siya

Love triangle 'yan: Rapist-killer Sanchez nanindigang inosente siya

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 23, 2019 08:36 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Iginiit ng convicted rapist at killer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na wala siyang kinalaman sa karumaldumal na pagpatay sa 2 University of the Philippines Los Baños (UPLB) students noong 1993.

Sa isang eksklusibong panayam kay Sanchez sa loob ng New Bilibid Prison nitong Biyernes, sinabi ng convict na "love triangle" ang motibo sa krimen at wala siyang kinalamaan doon.

"Wala naman akong involvement diyan. 'Yan naman ay love triangle, itinapon lang sa Calauan tapos ikinarga sa akin," ani Sanchez.

Noong 1995 ay hinatulan ng 7 counts ng reclusion perpetua si Sanchez dahil sa pagpatay kina UPLB students Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

ADVERTISEMENT

Hinalay ng noo'y alkalde si Sarmenta at ipinagahasa din sa kaniyang mga tauhan bago ito binaril sa mukha. Tinortyur at pinatay din si Gomez.

Pero ani Sanchez, wala siyang kinalaman sa krimen.

"Talagang ako'y walang kasalanan, maski lumubog na itong mundo, mamatay na ang dapat mamatay kung ako ay may kasalanan."

Nitong linggo ay naungkat muli ang isyu matapos mapabalitang posibleng magbenepisyo si Sanchez sa "good conduct time allowance" (GCTA) at lumaya sa kabila ng 7 life sentences.

Sabi ng dating alkalde, kalipikado siyang makinabang sa bagong batas.

"Kung talagang susundin ang batas makakalaya na po ako... Marami na po akong nagawang kabutihan, sa simbahan, lahat ng tulong binibigay ko," sabi ng convicted rapist-killer.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero noong Huwebes ay kumambiyo ang Bureau of Corrections (BuCor) at sinabing posibleng "disqualified" ito dahil sa sari-saring paglabag sa loob ng bilangguan, partikular na ang pagpupuslit ng shabu na itinago pa sa imahen ng Birheng Maria.

Sinabi rin ng Palasyo na hindi pasok si Sanchez sa GCTA.

"Mr. Sanchez, under Republic Act 10592 is not eligible. So the President as chief enforcer of the law will have to follow the law," ani Presidential spokesperson Salvador Panelo, na dating legal counsel ni Sanchez.

—Ulat nina Ron Gagalac, Mike Navallo, at Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.