Uniporme ng mga sundalo, papalitan na ng bago | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Uniporme ng mga sundalo, papalitan na ng bago

Uniporme ng mga sundalo, papalitan na ng bago

Danielle Rebolos,

ABS-CBN News

Clipboard

GAMU, Isabela – Pagsapit ng 2024, pangarap umano ng pamahalaan na maging world class ang sandatahang lakas, at kabilang umano sa kanilang paghahanda ay ang pagpapalit ng uniporme.

"It's lighter [and] more applicable sa environment…this uniform is practically designed to adapt sa environment," ani Colonel Benjamin Hao, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), habang binibisita ang 5th Infantry Division ng Army.

Nais nila umanong maisapinal ang bagong uniporme pagsapit ng Disyembre ngayong taon.

ILIGAL NA DROGA

Bilang bahagi rin ng pagsasaayos ng sandatahang lakas, sisikapin umano ng liderato na puksain ang droga sa hanay nito.

ADVERTISEMENT

Bumuo na sila ng Task Force Midas, na siyang tututok sa programa kontra droga, ani Hao.

Noong Hulyo 5, mula sa 3,000 na sumailalim sa drug test, ay 13 ang nagpositibo, sabi ni Hao. Apat sa mga ito ay muling nagpositibo sa confirmatory test, at posibleng matatanggal sa serbisyo.

Sa ngayon ay mas mababa pa ang bilang ng mga natanggal sa serbisyo dahil sa droga kumpara sa mga nakaraang taon. Noong 2015 ay may 30 na natanggal sa serbisyo dahil sa droga, samantalang noong 2014 ay may 38, at 131 naman noong 2013.

Dagdag ni Hao, bagama't wala pang pormal na utos sa kanilang hanay patungkol sa bawal na gamot, tatlong kampo sa bansa ang ipapagamit para sa rehabilitasyon ng mga sangkot sa droga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.