Pagputi ng tubig sa ilog ikinabahala ng ilang residente ng Borbon, Cebu | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagputi ng tubig sa ilog ikinabahala ng ilang residente ng Borbon, Cebu

ABS-CBN News
Published Aug 21, 2022 11:10 PM PHT

Naalarma ang ilang residente sa bukiring barangay ng Don Gregorio Antigua sa bayan ng Borbon, Cebu dahil naging kasimputi ng gatas ang tubig sa ilog Linggo ng hapon.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Gitoy Ornopia, isinagawa agad nila ang imbestigasyon dahil ito ang unang pagkakataon na nakaranas ng ganitong insidente ang Goyong River.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman umano ng barangay na may isang residente na inosenteng naghugas ng isang malaking water-based flexi bag sa ilog.

Inilarawan ni Ornopia na isa itong malaking inflatable plastic bag na may lamang pulbos dahilan para pumuti ang tubig sa ilog.

Ginagamit umano ang flexi bag sa pagbiyahe ng mga likido, at nakuha ito ng residente mula sa pinagtatrabahuhang trucking services sa Mandaue City.

Ani Ornopia, ipapadala nila ang water sample sa lokal na pamahalaan at sa kinauukulang ahensya ng gobyerno upang masiguro na walang nakakahilong kemikal ang tubig.

Sa ngayon, wala naman umanong naireport na namatay na mga isda o hayop sa ilog.

Inabisuhan ng barangay ang mga residente na huwag munang gumamit ng tubig sa ilog at ilayo ang mga alagang hayop sa ilog habang inaalam pa ang kaligtasan nito.

- ulat ni RC Dalaguit de Vela
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT