Mga lider ng simbahan humirit na taasan ang bilang ng maaaring magsimba | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga lider ng simbahan humirit na taasan ang bilang ng maaaring magsimba

Mga lider ng simbahan humirit na taasan ang bilang ng maaaring magsimba

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ilang lider ng simbahan ang umaapela sa pamahalaan na ibalik sa 10 percent ang capacity ng mga maaaring magsisimba.

"Parang hindi naman tama na kung bibigyan mo ng 30 percent ang mga restaurant tapos ang simbahan, sampung tao lang. Mas malaki naman yung simbahan kaysa sa restaurant," ani Bishop Broderick Pabillo, apostolic administrator ng Archdiocese of Manila.

Ito ang sentimiyento ni Pabillo matapos payagan ng gobyerno na tumanggap ng maraming bilang ng customers ang restos ngayong general community quarantine na, pero limitado pa rin sa 10 ang pwedeng pumasok sa simbahan.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pasya ng IATF ay nakabase sa karanasan ng bansa nitong mga nakaraang buwan at maging sa ibang bansa kung saan napatunayan umano na mataas ang kaso ng hawahan sa religious gatherings.

ADVERTISEMENT

Sa isang text message, sinabi rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Bishop Mylo Vergara ng Pasig na ang mga alkalde ng Metro Manila ang nais magpatupad ng mas mahigpit na implementasyon ng GCQ.

"Much as I would like to have a progressive and continuous movement, public health considerations bear heavily on IATF decisions, bishop. Thank you for your patience and understanding," ani Guevarra kay Vergara.

May apela naman si Father Douglas Badong ng Quiapo Church sa mga nagsisimba.

"Sana sa mga parishioners, sana iparating din nila yung kanilang saloobin sa IATF o sa government natin na bigyan din ng halaga yung pananampalataya ng mga tao kasi marami dito na lang humuhugot para makayanan nila itong pandemyang ito."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.