Empleyado sa gasolinahan sa Davao City, nagsauli ng bag na may lamang P200K | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Empleyado sa gasolinahan sa Davao City, nagsauli ng bag na may lamang P200K

Empleyado sa gasolinahan sa Davao City, nagsauli ng bag na may lamang P200K

Claire Cornelio,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Isang empleyado ng gasoline station dito sa siyudad ang nagbalik ng isang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera Miyerkoles.

Hindi nag-alangan ang pump girl na si Abegail Degamo na i-turnover ang isang bag na naglalaman ng P200,026 pesos na cash sa DXAB Radyo Patrol sa istasyon ng ABS-CBN sa Davao City.

Nakita niya ang bag na sinasagasaan lang ng mga sasakyan sa harap ng gasoline station kung saan siya nagtatrabaho sa Tigatto Road, Barangay Buhangin. Nang kaniyang buksan, nabigla siya na may laman itong pera.

Bukod sa pera, may laman din na susi at resibo ang bag.

ADVERTISEMENT

Matapos na ipanawagan sa radyo, pumunta sa istasyon ng ABS-CBN si Cheryl Apilan, staff ng Student Affairs Office ng Davao Merchant Marine Academy College of Southern Philippines at pinatunayan na sa kaniya ang pera.

Malaki ang kaniyang pasasalamat kay Degamo. Dagdag pa ni Apilan, gagamitin sa intramurals ng pamantasan ang perang napulot ni Degamo.

Balak ni Apilan na makipagkita kay Degamo para personal na magpasalamat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.