Pinsala dulot ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate, halos P24 milyon: DPWH | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pinsala dulot ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate, halos P24 milyon: DPWH

Pinsala dulot ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate, halos P24 milyon: DPWH

Jeffrey Hernaez,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nasa P23.96 milyon ang tinatayang halaga ng naging pinsala sa imprastraktura dulot ng magnitude 6.6 na lindol sa Masbate nitong Martes, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay ito sa naging resulta ng isinagawang assessment ng kagawaran.

Sa report ng DPWH Bureau of Maintenance nitong Miyerkoles, nadadaanan man ang lahat ng national roads at mga tulay sa Masbate, nakitaan ng damage ang ilang bahagi ng Masbate-Cataingan-Placer Road kabilang ang mga tulay ng Gahit, Nipa, Nabangig, Pinangapugan, Impapanan, at Marcella.

May bahagyang sira rin na nakita sa Panganiban Bridge sa bayan ng Nabua.

ADVERTISEMENT

Nakitaan rin ng sira ang ilang bahagi ng DPWH Masbate 3rd District Engineering Office Building in Balocawe, Dimasalang, Palanas Police Station Building in Poblacion, Palanas; Inocencio Central School Building sa Villa-Inonencio, Placer; Cataingan Public Market and Cataingan Port sa Poblacion, Cataingan; at Dimasalang Port sa Poblacion, bayan ng Dimasalang.

Samantala, naglagay na rin ng mga road warning signs at safety devices ang DPWH sa mga apektadong kalsada at tulay upang magsilbing gabay ng mga motorista.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.