Malaking isda nahuli sa Eastern Samar ilang oras matapos ang magnitude 6.6 na lindol | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Malaking isda nahuli sa Eastern Samar ilang oras matapos ang magnitude 6.6 na lindol

Geron Ponferrada,
ABS-CBN News
Published Aug 19, 2020 08:16 PM PHT
|
Updated Aug 19, 2020 08:17 PM PHT

Pinagkaguluhan ng ilang residente sa Barangay Santa Monica sa bayan ng Oras, Eastern Samar ang malaking isda na nahuli ng mangingisdang si Archie Balibalos nitong Martes matapos ang nangyaring lindol sa karatig-lalawigan na Masbate.

Sa mga retratong kuha ni Ranilo Ebron, makikita na mula sa bangka ay itinali ang malaking isda sa kawayan at pinasan ng dalawang tao papunta sa dalampasigan.

May iba't ibang kulay ang nahuling isda, pero agaw-pansin ang matingkad na kulay pula sa magkabilang palikpik nito.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang nahuli na malaking isda ay tinatawag na opah, isang klase ng endothermic fish na kalimitan matatagpuan lamang sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan.

Ang nahuling opah ay may lapad na 100 sentimetro.

Ayon pa sa BFAR, maaring kainin ang nasabing isda. Sa katunayan, agad umano itong dinala ng mangingisda sa palengke para maibenta.

Pinaniniwalaan naman na ang pagkahuli ng malaking isda ay may kinalaman sa malakas na lindol sa Masbate na naramdaman rin sa ilang bahagi ng Eastern Visayas.

Ayon pa sa BFAR, posible umano na nabulabog ng lindol ang ilalim ng karagatan kaya puma-ibabaw ang deep-bodied pelagic fish kung saan nagkataong nahuli ng mga nangingisda sa hilagang silangan ng Pasipiko.